Martes, Nobyembre 17, 2015

Buhay Plebo

PNPA Tagapamagitan Class of 2013 Hawk Company 

Gumising ka na't bumangon na,
Ayusin na ang bunks mo, sinta.
Nandiyan na ng Duty for inspection,
Bilisan mo na't kung ayaw mong ma-caution.

Pagkagising pa lang, bising-busy na,
Kahit giniginaw, maliligo talaga.
Walang hiya-hiya, maghubad ka na,
Upang masimulan na umagang kay ganda.

Martsa dito, martsa doon,
Walang katapusang field drill maghapon.
Kaya katawan ay pagod na pagod,
Kahi-hit bunks pa lang ay agad na ang tulog.

Sino nga ba makakalimot sa nag-iisang tunog,
Na sa bawat araw ay nambubulabog?
Musikang sa plebo'y nagbibigay lakas,
Upang harapin ang naghihintay na bukas.

"Mess Call", ang tawag nila dito,
Bugle call na pinakahihintay ng mga plebo.
Pambawi sa lakas na nagamit kahapon,
Pangharap sa ngayon at sa buong maghapon.

Sino nga naman bang aayaw sa gabing pinakahihintay,
Pagkain sa mga pagkaing sa iyo'y matagal ng nawalay?
Ngunit kung ang mga ito'y hindi mo na kayang ubusin,
Lakasan ang iyong loob at simulan mo ng take-life-in.

"Squad Leader's Time", ang tawag nila dito,
Ang tanging pinaka-aabangan ng mga plebo.
Sa kanila, ito'y nagpapa-high morale,
Ano pang hinihintay mo? Simulan na ang pagdarasal!

Sa araw-araw na ikaw ay gigising,
Huwag na huwag mong kakalimutan ang manalangin.
Maikling dasal ay sa Kanya iyong sambitin,
Magpasalamat sa bagong umagang ipinagkaloob sa atin.

Kung wala Siya ay wala rin tayo,
Siya ang dahilan kung bakit tayo naririto.
Sa Kanya, tayo ay magbigay pugay,
Buhay natin sa Kanya ay i-alay.

Mga ala-ala't mga karanasan,
Hinding-hindi ko malilimutan.
Mga kalungkutan o maging kasiyahan man,
Laging nasa puso ko at aking isipan.