Lunes, Setyembre 28, 2020

G.R. No. 202514, July 25, 2016 - ANNA MARIE L. GUMABON, Petitioner, v. PHILIPPINE NATIONAL BANK, Respondent.

ANNA MARIE L. GUMABON, v. PHILIPPINE NATIONAL BANK

G.R. No. 202514, July 25, 2016

Facts:

The case stemmed from the PNB's refusal to release Anna Marie's money in a consolidated savings account and in two foreign exchange time deposits, evidenced by Foreign Exchange Certificates of Time Deposit (FXCTD).

Anna Marie decided to consolidate the eight (8) savings accounts and to withdraw P-2,727,235.85 from the consolidated savings account to help her sister's financial needs.  After withdrawals, the balance of her consolidated savings account was P250,741.82.

On July 30, 2003, the PNB sent letters to Anna Marie to inform her that the PNB refused to honor its obligation under FXCTD Nos. 993902 and 993992, and that the PNB withheld the release of the balance of P-250,741.82 in the consolidated savings account. According to the PNB, Anna Marie pre-terminated, withdrew and/or debited sums against her deposits. On August 12, 2004, Anna Marie filed a complaint for recovery of sum of money and damages before the RTC against the Philippine National Bank (PNB) and the PNB Delta branch manager Silverio Fernandez

Issue:

Whether or not PNB is liable to the time deposit and the remaining bank deposit of Anna Marie

Ruling:

Yes, PNB failed to establish the fact of payment to Anna Marie in FXCTD Nos. 993902 and 993992, and SA No. 6121200. It is a settled rule in evidence that the one who alleges payment has the burden of proving it.           

The PNB alleged that it had already paid the balance of the consolidated savings account (SA No. 6121200) amounting to P-250,741.82. It presented the manager's check to prove that Anna Marie purchased the check using the amounts covered by the Gumabon's two savings accounts which were later part of Anna Marie's consolidated savings account. The PNB also presented the miscellaneous ticket to prove Anna Marie's withdrawal from the savings accounts.

            The business of banking is imbued with public interest. The stability of banks largely depends on the confidence of the people in the honesty and efficiency of banks. In every case, the depositor expects the bank to treat his account with the utmost fidelity, whether such account consists only of a few hundred pesos or of millions. The bank must record every single transaction accurately, down to the last centavo, and as promptly as possible.

Martes, Nobyembre 17, 2015

Buhay Plebo

PNPA Tagapamagitan Class of 2013 Hawk Company 

Gumising ka na't bumangon na,
Ayusin na ang bunks mo, sinta.
Nandiyan na ng Duty for inspection,
Bilisan mo na't kung ayaw mong ma-caution.

Pagkagising pa lang, bising-busy na,
Kahit giniginaw, maliligo talaga.
Walang hiya-hiya, maghubad ka na,
Upang masimulan na umagang kay ganda.

Martsa dito, martsa doon,
Walang katapusang field drill maghapon.
Kaya katawan ay pagod na pagod,
Kahi-hit bunks pa lang ay agad na ang tulog.

Sino nga ba makakalimot sa nag-iisang tunog,
Na sa bawat araw ay nambubulabog?
Musikang sa plebo'y nagbibigay lakas,
Upang harapin ang naghihintay na bukas.

"Mess Call", ang tawag nila dito,
Bugle call na pinakahihintay ng mga plebo.
Pambawi sa lakas na nagamit kahapon,
Pangharap sa ngayon at sa buong maghapon.

Sino nga naman bang aayaw sa gabing pinakahihintay,
Pagkain sa mga pagkaing sa iyo'y matagal ng nawalay?
Ngunit kung ang mga ito'y hindi mo na kayang ubusin,
Lakasan ang iyong loob at simulan mo ng take-life-in.

"Squad Leader's Time", ang tawag nila dito,
Ang tanging pinaka-aabangan ng mga plebo.
Sa kanila, ito'y nagpapa-high morale,
Ano pang hinihintay mo? Simulan na ang pagdarasal!

Sa araw-araw na ikaw ay gigising,
Huwag na huwag mong kakalimutan ang manalangin.
Maikling dasal ay sa Kanya iyong sambitin,
Magpasalamat sa bagong umagang ipinagkaloob sa atin.

Kung wala Siya ay wala rin tayo,
Siya ang dahilan kung bakit tayo naririto.
Sa Kanya, tayo ay magbigay pugay,
Buhay natin sa Kanya ay i-alay.

Mga ala-ala't mga karanasan,
Hinding-hindi ko malilimutan.
Mga kalungkutan o maging kasiyahan man,
Laging nasa puso ko at aking isipan.

Miyerkules, Agosto 5, 2015

Ang Walang Kwentang Talambuhay ni Juan dela Cruz

Sisimulan ko ang kwento ng aking buhay sa pagpapakilala ng aking sarili. Ako nga pala si Juan Dela Cruz. Magdadalawampu’t isang taong gulang na sa darating na buwan ng Disyembre. Ako ay nakatira sa ‘di kalayuang baryo sa siyudad ng Cavite. Ako ay nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo sa kursong kinukuha ng mga estudyante na gustong maglingkod sa bayan, ang pagpupulis.

Anim kaming magkakapatid- limang lalaki at isang babae at silang lahat ay nasa kolehiyo na rin tulad ko. Masaya naman ang buhay ko sapagkat ako ay nakatapak na sa kolehiyo at malapit na rin magtapos. Buwan na lamang ang hinihintay ko at akin ng makakamayan ng personal ang bagong pangulo ng Pilipinas, walang iba kung hindi ang Kagalang-galang na si Pangulong Jose Santos.

Masaya ang maging estudyante. Lalo na kung ikaw ay isang iskolar ng bayan. Hindi mo na kailangan pang magbayad ng matrikula upang problemahin ang mga bayarin bawat semestre ng taon. Ang kailangan mo lang ay ang pagbutihin ang pag-aaral mo upang ikaw ay hindi mawala sa pagiging iskolar ng bayan.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ako ay naiiba sa isang ordinaryong binata. Dadagdagan na nga lang ako ng isa pang taon sa aking buhay ay wala pa rin akong nagiging girlfriend. Sabi nga ng iba, napaka torpe ko daw at napakamanhid pa dahil hindi ko daw maramdaman ang mga taong mayroong gusto sa akin. Sabi ko naman sa kanila na ang pag-aaral lang daw muna ang aking unahin sabi ng aking mga magulang noong bata pa ako dahil sa oras na ako ay makapagtapos na sa aking pag-aaral ay ang mga babae na mismo ang siyang lalapit sa akin. Masunurin akong bata kaya sinunod ko ang payo ng aking mga magulang.

Lumipas ang maraming taon, ganoon pa din ang nakatatak sa isipan ko ang payo ng aking mga magulang at wala naman sa akin iyon. Ngunit isang gabi, isang pangyayari ang hinding-hindi ko malilimutan. Narito ang kwento at akin ng sisimulan:

Isang malamig na gabi noong buwan ng Disyembre taong 2010, gumawa ako ng isang sulat na nagpapaalala ng kaarawan sa aking napupusuang minamahal na babaeng kamag-aral. Naaalala ko pa noon, ang aking naisulat ay apat na araw na lamang at kaniya ng kaarawan.

Noong ako na ay natulog na sa aking higaan at hinihintay ang pagsapit ng hating gabi upang maging eksaktong apat na araw ang bilang ng pagsapit ng kanyang kaarawan, hindi pa man oras ay nagising na ako dahil sa kung “ano” ang tumabi sa aking pagtulog. Ganoon pa man, bumangon ako at akin na lamang kinuha ang ginawa kong sulat at ibinigay sa isang kartero upang ihatid sa kanya ang aking ginawa. Ang karterong ito ay nagtatrabaho din sa pagbabantay sa aming bahay. Noong akin ng naiabot ito sa kartero at napayuhan siya na ihatid ito sa bahay ng aking kamag-aral pagsapit ng alas-dose ng hating gabi, bumalik na ako sa aking higaan. Ang hindi ko alam, ito pala ay nahuli ng isang kasamahan niya sa pananampalataya kaya ako ay pinapapunta niya sa kanya kinaumagahan. Ang kasamahan ng kartero sa pananampalataya ay si Pedro. Si Pedro ay napakaistrikto talaga sa lahat. Bawal kasi sa amin ang umibig sa kapwa kamag-aral. Lubos itong ipinagbabawal sa amin kaya tanggap ko naman ang aking magiging kaparusahan na matatanggap ko mula sa kanya dahil sa aking ginawa.

Sa aking pagbalik sa aking higaan, ako na ulit  ay bumalik sa aking pagkakatulog. Ngunit, maya-maya ay mayroon akong naramdaman at itong dahilan ng aking pagising. Mayroong “tae” sa aking tabi. (Pasintabi sa mga nagbabasa). Noong una ay hindi ko ito pinansin kaya balik ako sa aking pagkakatulog. Ngunit, sa kasamaang palad, ito ay dumikit sa akin at akin itong nahawakan. Subalit hindi ko naman ito pinandirihan.

Natapos na ang gabi at umaga na naman. Mga ilang araw din ang lumipas at lumipat na na ako ng aking hinihigaan. Kailangan kasi dahil marami sa mga nakira sa bording house na aking tinitirahan ay umalis upang mag-OJT (On-the-Job Training). Hindi ko maialis sa akin isipan ang nangyari sa akin noong gabing iyon.

Isang gabi, ako ay natulog na ulit at iyon ay sa bago ko ng nilipatan. Ngunit, hindi naglaon ay nariyan na naman ang “tae” sa aking tabi. Hindi ko ito alintana. Sa aking pagtataka, akin na itong tinikman kung “tae” nga ba talaga ito. Ang sabi ko nga sa aking sarili, “Putcha, tae nga!” Unang pagkakataon ko iyon na makatikim ako ng “tae”. Masarap siya kaya akin na rin itong inulit-ulit. Hindi pangkaraniwan itong aking natikman kaya dito ako ay na-addict.

Ngunit, sa paglipas na maraming oras, araw, linggo, buwan hanggang sa umabot na ng taon, mukhang nagsawa na ang “tae” na ito sa akin. Mayroon na kasing “langaw” sa dumarapo dito. Mukhang mas gusto pa nito ang “langaw” kesa sa akin. Sa bagay, tama nga naman siya. Pero kahit na masakit ito para sa akin, akin na lamang tinanggap ang pagpalit niya sa akin sa isang langaw. Ngunit, magpasa hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin ang pagpili niya sa “langaw” kaysa sa akin. Hindi naman naging kami pero nasaktan ako at patuloy pa ding nasasaktan. Pasalamat na lamang ako dahil siya ang pinakauna kong natikman dala na rin ng aking ka-curious-an.

Natutunan ko na rin mahalin ang “tae” na iyon kahit hindi maaari at hindi natural para sa isang tulad ko. Hindi ko alam kung mayroon akong nagawang kamalian o hindi niya nagustuhan kung kaya mas pinili niya ang “langaw” kaysa sa akin. Hindi ko rin naman siya makausap upang kunin ang kaniyang saloobin sapagkat hindi naman siya nagsasalita at hinding-hindi naman siya makakapagsalita at ayaw niya akong kausapin. Pero minsan, sinubukan ko siyang kausapin ngunit wala rin akong napala. Hindi pa rin siya nagsalita. Nakuha ko na ngang sulatan siya gamit ang bagong teknolohiya na tinatawag na cellular phone. Ngunit, napag-isip-isip ko, tanga pala ako. Natawa na lang ako sa aking sarili. Hindi pala siya maaaring sumagot at magbigay ng response sa aking mensahe. Isa pang katangahan ang akin napagtanto na umaasa ako na sasagot siya sa aking mga mensahe. “HAHAHA!” sabi ko na lamang sa aking sarili.

Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang aking nagawang mali o hindi niya nagustuhan kung bakit niya pinagpalit ako sa “langaw” sa minsan at bago lamang dumapo sa kanya. Isang malaking tanong pa rin ito para sa aking sarili. Ikaw, may tanong ka din ba? (Itutuloy...)

TOMA TEMA CAON!

It’s really hard for me to tell that I love you,
I’m afraid that you will tell me back, “Who are you?”
But please let me express how much I do care for you,
A feeling inside of me that is so true.

I don’t care if you love me not,
It won’t make me feel so very sad.
You will just make my life so miserable,
And if I lost you, believe me, I have nothing at all.

“I love you!” that is what my heart says,
“I need you and your very sweet caress!”
With you, I feel so very comfortable,
That is why I will give to you my all.

Of all the person I’ve ever met,
You’re the one I won’t forget.
I thank God for He gave you to me,
And I will love you ‘till eternity.