Sisimulan ko ang kwento ng aking buhay sa pagpapakilala ng aking sarili. Ako nga pala si Juan Dela Cruz. Magdadalawampu’t isang taong gulang na sa darating na buwan ng Disyembre. Ako ay nakatira sa ‘di kalayuang baryo sa siyudad ng Cavite. Ako ay nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo sa kursong kinukuha ng mga estudyante na gustong maglingkod sa bayan, ang pagpupulis.
Anim kaming magkakapatid- limang lalaki at isang babae at silang lahat ay nasa kolehiyo na rin tulad ko. Masaya naman ang buhay ko sapagkat ako ay nakatapak na sa kolehiyo at malapit na rin magtapos. Buwan na lamang ang hinihintay ko at akin ng makakamayan ng personal ang bagong pangulo ng Pilipinas, walang iba kung hindi ang Kagalang-galang na si Pangulong Jose Santos.
Masaya ang maging estudyante. Lalo na kung ikaw ay isang iskolar ng bayan. Hindi mo na kailangan pang magbayad ng matrikula upang problemahin ang mga bayarin bawat semestre ng taon. Ang kailangan mo lang ay ang pagbutihin ang pag-aaral mo upang ikaw ay hindi mawala sa pagiging iskolar ng bayan.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ako ay naiiba sa isang ordinaryong binata. Dadagdagan na nga lang ako ng isa pang taon sa aking buhay ay wala pa rin akong nagiging girlfriend. Sabi nga ng iba, napaka torpe ko daw at napakamanhid pa dahil hindi ko daw maramdaman ang mga taong mayroong gusto sa akin. Sabi ko naman sa kanila na ang pag-aaral lang daw muna ang aking unahin sabi ng aking mga magulang noong bata pa ako dahil sa oras na ako ay makapagtapos na sa aking pag-aaral ay ang mga babae na mismo ang siyang lalapit sa akin. Masunurin akong bata kaya sinunod ko ang payo ng aking mga magulang.
Lumipas ang maraming taon, ganoon pa din ang nakatatak sa isipan ko ang payo ng aking mga magulang at wala naman sa akin iyon. Ngunit isang gabi, isang pangyayari ang hinding-hindi ko malilimutan. Narito ang kwento at akin ng sisimulan:
Isang malamig na gabi noong buwan ng Disyembre taong 2010, gumawa ako ng isang sulat na nagpapaalala ng kaarawan sa aking napupusuang minamahal na babaeng kamag-aral. Naaalala ko pa noon, ang aking naisulat ay apat na araw na lamang at kaniya ng kaarawan.
Noong ako na ay natulog na sa aking higaan at hinihintay ang pagsapit ng hating gabi upang maging eksaktong apat na araw ang bilang ng pagsapit ng kanyang kaarawan, hindi pa man oras ay nagising na ako dahil sa kung “ano” ang tumabi sa aking pagtulog. Ganoon pa man, bumangon ako at akin na lamang kinuha ang ginawa kong sulat at ibinigay sa isang kartero upang ihatid sa kanya ang aking ginawa. Ang karterong ito ay nagtatrabaho din sa pagbabantay sa aming bahay. Noong akin ng naiabot ito sa kartero at napayuhan siya na ihatid ito sa bahay ng aking kamag-aral pagsapit ng alas-dose ng hating gabi, bumalik na ako sa aking higaan. Ang hindi ko alam, ito pala ay nahuli ng isang kasamahan niya sa pananampalataya kaya ako ay pinapapunta niya sa kanya kinaumagahan. Ang kasamahan ng kartero sa pananampalataya ay si Pedro. Si Pedro ay napakaistrikto talaga sa lahat. Bawal kasi sa amin ang umibig sa kapwa kamag-aral. Lubos itong ipinagbabawal sa amin kaya tanggap ko naman ang aking magiging kaparusahan na matatanggap ko mula sa kanya dahil sa aking ginawa.
Sa aking pagbalik sa aking higaan, ako na ulit ay bumalik sa aking pagkakatulog. Ngunit, maya-maya ay mayroon akong naramdaman at itong dahilan ng aking pagising. Mayroong “tae” sa aking tabi. (Pasintabi sa mga nagbabasa). Noong una ay hindi ko ito pinansin kaya balik ako sa aking pagkakatulog. Ngunit, sa kasamaang palad, ito ay dumikit sa akin at akin itong nahawakan. Subalit hindi ko naman ito pinandirihan.
Natapos na ang gabi at umaga na naman. Mga ilang araw din ang lumipas at lumipat na na ako ng aking hinihigaan. Kailangan kasi dahil marami sa mga nakira sa bording house na aking tinitirahan ay umalis upang mag-OJT (On-the-Job Training). Hindi ko maialis sa akin isipan ang nangyari sa akin noong gabing iyon.
Isang gabi, ako ay natulog na ulit at iyon ay sa bago ko ng nilipatan. Ngunit, hindi naglaon ay nariyan na naman ang “tae” sa aking tabi. Hindi ko ito alintana. Sa aking pagtataka, akin na itong tinikman kung “tae” nga ba talaga ito. Ang sabi ko nga sa aking sarili, “Putcha, tae nga!” Unang pagkakataon ko iyon na makatikim ako ng “tae”. Masarap siya kaya akin na rin itong inulit-ulit. Hindi pangkaraniwan itong aking natikman kaya dito ako ay na-addict.
Ngunit, sa paglipas na maraming oras, araw, linggo, buwan hanggang sa umabot na ng taon, mukhang nagsawa na ang “tae” na ito sa akin. Mayroon na kasing “langaw” sa dumarapo dito. Mukhang mas gusto pa nito ang “langaw” kesa sa akin. Sa bagay, tama nga naman siya. Pero kahit na masakit ito para sa akin, akin na lamang tinanggap ang pagpalit niya sa akin sa isang langaw. Ngunit, magpasa hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin ang pagpili niya sa “langaw” kaysa sa akin. Hindi naman naging kami pero nasaktan ako at patuloy pa ding nasasaktan. Pasalamat na lamang ako dahil siya ang pinakauna kong natikman dala na rin ng aking ka-curious-an.
Natutunan ko na rin mahalin ang “tae” na iyon kahit hindi maaari at hindi natural para sa isang tulad ko. Hindi ko alam kung mayroon akong nagawang kamalian o hindi niya nagustuhan kung kaya mas pinili niya ang “langaw” kaysa sa akin. Hindi ko rin naman siya makausap upang kunin ang kaniyang saloobin sapagkat hindi naman siya nagsasalita at hinding-hindi naman siya makakapagsalita at ayaw niya akong kausapin. Pero minsan, sinubukan ko siyang kausapin ngunit wala rin akong napala. Hindi pa rin siya nagsalita. Nakuha ko na ngang sulatan siya gamit ang bagong teknolohiya na tinatawag na cellular phone. Ngunit, napag-isip-isip ko, tanga pala ako. Natawa na lang ako sa aking sarili. Hindi pala siya maaaring sumagot at magbigay ng response sa aking mensahe. Isa pang katangahan ang akin napagtanto na umaasa ako na sasagot siya sa aking mga mensahe. “HAHAHA!” sabi ko na lamang sa aking sarili.
Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang aking nagawang mali o hindi niya nagustuhan kung bakit niya pinagpalit ako sa “langaw” sa minsan at bago lamang dumapo sa kanya. Isang malaking tanong pa rin ito para sa aking sarili. Ikaw, may tanong ka din ba? (Itutuloy...)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento